Ang Sinaunang Kabihasnan
Nag
bago ang pamumuhay ng tao sa Panahong Neolitiko. Nagsimula ang malawakang
pagtatanim o agrikultura at ang pag-aalaga ng hayop. Depende sa kanilang
kapaligiran.
Nang
lumaon, may apat na batayang kapaligiran sa Asya na hinanap ng tao. Ito ang
kapaligirang lambak-ilog, disyerto, at steppe o damuhan. Natuto ang mga tao sa
kapuluan na magtanim ng halamang ugat at palay. Naging bihasa rin sila sa
paglalayag at pangingisda. Samantala, ang mga pamayanansa lambak-ilog ay
natutong magtanim ng trigo, barley at palay. May nag-aalaga rin ng hayop
sa lambak-ilog tulad ng tupa, kambing, at baka. Sa kabilang banda, pag-aalaga
ng hayop tulad ng kabayo, tupa, camel, at ox ang naging kabayuhan
sa disyerto at steppe. May kaunting pagtatanim din tulad ng dates
sa mga oasis sa disyerto.
Tatalakayin
sa blog na ito ang nabuong agrikultural na pamumuhay sa mga lambak-ilog, sa
Asya - ang Tigris-Euphrates sa Kanlurang Asya, Indus sa Timog Asya, at ang
Huang Ho sa Silangang Asya. Ilalarawan sa blog na ito ang mga kabihasnang
Sumer, Indus at Shang. Ipapakita rin ang pamahalaan at lipunan na nabuo sa
tatlong kabihasnan at kikilalanin ang mga natamo ng mga ito.
Sibilisasyon
- mula sa salitang ugat na civitas
- masalimuot na pamumuhay sa lungsod
Kabihasnan
- nagsimula sa salitang ugat na "bihasa"
- pamumuhay na nakagawian at pinipino ng isang pangkat ng tao.
* Mga Batayang Salik sa Pagbubuo ng Kabihasnan:
1. Pagkakaroon ng organisado at sentralisadong pamahalaan
2. Masalimuot na rehiyon
3. Espesyalisasyon sa gawaing pang-ekonomiya at uring panlipunan
4. Mataas na antas ng kaalaman sa teknolohiya
pangit masyado nakakahiya fuck you
TumugonBurahinwanted sex mate
TumugonBurahin