Huwebes, Setyembre 4, 2014

Ang Aking Impresyon Sa Digmaan


DIGMAAN SA ISRAEL, IRAQ AT LIBYA

              Isa sa pinakamatinding sitwasyon ay ang Giyera sa mga bansang napapaloob sa Gitnang Silangan.Nariyan ang Bombahan sa Israel na napakadaming nasawi at nasirang imprastraktura.


 

              Ang pinak-naapektuhan sa mga kaguluhang ito ay mga kawawang sibilyan na nasa gitna ng kaharasan at kadlasan nagiging biktima ito.  


Ayon sa isang balita, lahat ng mga tao doon ay apektado ng digmaan. Lahat sila ay takot na takot, dahil ang magkabilang grupo ay parehas na pinahihirapan at pinapatay ang bawat kalaban na kanilang madadakip. Napaka – rami nang sundalong nasasawi dahil sa digmaan.

aging ang mga kababayan nating mga Pilipino ay apektado nito. Nagmamadali silang umuwi dito sa bansa upang makaiwas sa digmaan at hindi mapabilang sa mga nasawi. Ang mga nakaligtas na OFW ay naglahad kung gaano kahirap ang kanilang sinapit sa digmaang nagaganap doon.


 

 


Habang tumatagal ang sagupaan sa ibat-ibang panig ng Asya,Dalawang milyon na kabataan ang nabibiktima at nasasawi ang buhay.Mga kabataan na  sa murang edad ay nakakaranas na ng pinakamasaklap na maaring maranasan ng isang tao.Nakakalungkot na ang kabayaran para sa kalayaan at karapatan ay ang buhay ng mga inosenteng mamayan.Kaya nga, nagiging tanong sa nakakarami ,isang tagumpay pa ba ang manalo  sa giyera? Mas mahalaga ba ang pinaglalaban kaysa sa buhay ng libu-libong mamamayan.

Maaaring alam natin ang sagot diyan, ngunit ang realidad ng buhay ay hindi mapayapa at puno ng ‘di pagkakaunawaan. Sa kasalukuyan, maaari na lamang nating ipagdasal ang hinaharap na sana ay wala nang dahas na kamumulatan ang mga susunod na kabataan.
 




 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento