Martes, Hulyo 22, 2014

Ang BIODIVERSITY ng Asya



Ang BIODIVERSITY ng Asya

Ang pagkakaiba-iba at pagiging katangi-tangi ng lahatng anyo ng buhay na bumubuo sa natural na kalikasayan aytinatatawag na
Biodiversity
. Ang Asya bilang pinakamalakingkontinente sa buong mundo, ay itinuturing na pangunahingpinagmumulan ng
 global diversity
. Ngunit habang ang bansa aypapunta sa kaunlaran, kasabay rin nito ay ang pagsulpot ngmga suliraning ekolohikal at pangkapaligiran bunsod ng dimapigilang pag-unlad ng ekonomiya at patuloy na paglaki ngpopulasyon.Sa pagtalakay mo sa mga suliranin at isyungpangkapaligiran, makakatulong ang mga sumusunod na mgasalita.
1. Desertification

tumutukoy sa pagkasira ng lupain sa mgarehiyong bahagyang tuyo o lubhang tuoy kapag lumaon ayhahantong sa permenanteng pagkawala ng kapakinabangan oproductivity nito tulad ng nararanasan sa ilang bahagi ng China,Jordan, Iraq, Lebanon, Syria, Yemen, India at Pakistan.
2. Salinization

sa prosesong ito, lumilitaw sa ibabaw ng lupaang asin o kaya naman ay inaanod ng tubig papunta sa lupa. Itoay nagaganap kapag mali ang isinasagawang proseso ngirigasyon, sa paligid ng mga estuary at gayundin sa ma lugar namababa na ang balon ng tubig o water table. Unti-untingnanunuot ang tubig-alat o salt-water kapag bumababa angwater level gaya ng nararanasan ng bansang Bangladeshsapagkat nanunuot na ang tubig-alat sa kanilang mga ilog.
3. Habitat

tirahan ng mga hayop at iba pang mga bagay. Itoang pangunahing apektado ng land conversation opaghahawan ng kagubatan, pagtatag ng mga mabundok omaburol na lugar upang magbigay daan sa mga proyektongpangkabahayan.
4. Hinterlands

malayong lugar, malayo sa mga urbanisadonglugar ngunit apektado ng mga pangyayari sa teritoryong sakopng lungsod tulad ng pangangailangan ng huli sa pagkain,panggatong, at torso para sa konstruksiyon na itinutustos nghinterlands na humahantong sa pagkasaid ng likas na yamannito.
5. Ecological Balance

balanseng ugnayan sa pagitan ng mgabagay na may buhay at ng kanilang kapaligiran.
6. Deforestation

pagkaubos at pagkawala ng mgapunongkahoy sa mga gubat. Isa ito sa mga problemangnararanasan ng Asya sa kasalukuyan. Ayon sa AsianDevelopment Bank, nangunguna ang Bangladesh, Indonesa,Pakistan at Pilipinas sa mga bansang mabilis na antas o rate ngdeforestation.
7. Siltation

parami at padagdag na deposito ng banlik na dalang umaagos na tubig sa isang lugar. Ito ay isa rin sa mgaproblemang kinakaharap ng mga bansa sa Asya dulot o bunsodng pagkasira ng kagubatan at erosyon ng lupa, gaya ngkondisyon ng lawa ng Tonle Sap sa Cambodia.
8. Red Tide

sanhi ng dinoflagellates na lumulutang sa ibabawng dagat.
9. Global Climate Change

pagbabago ng pandaigdigan orehiyunal na klima na maaring dulot ng likas na pagbabago sadaigdig o ng mga gawain ng tao. Karaniwang tinutukoy nito sakasalukuyan ang pagtaas ng katamtamang temperature oglobal warming.
10. Ozone Layer

isang suson sa stratosphere na naglalamanng maraming konsentrasyon ng ozone. Mahalagangpangalagaan ang ozone layer sapagkat ito ang nagpoprotektasa mga tao, halaman, at hayop mula sa masamang epekto ngradiation na dulot ng ultraviolet rays.

1 komento: