Mga Rehiyon Sa Asya
Hilagang asya:
1.Armenia
2.Azerbaijan
3.Georgia
4.Kazakhstan
5.Kyrgyzstan
6.Tajikistan
7.Turkmenistan
8.Uzbekistan 9.Afghanistan
Kanlurang Asya:
1.turkey
2.Iran
3.Cyprus
4.Lebanon
5.Israel
6.Jordan
7.Syria
8.Iraq
9.Kuwait
10.Saudi Arabia
11.YEMEN
12.OMAN
13.U.A.E
14.Qatar
15.Bahrain
Timog Asya
1.INDIA
2.BANGLADESH
3.PAKISTAN
4.SRI LANKA
5.BHUTAN
6.NEPAL
7.MALDIVES
Timog –Silangang Asya
1.Brunei
2. Cambodia 3.Indonesia 4.Laos
5. Malaysia
6.Myanmar
7.Philippines
8.Singapore
9.Thailand
10.Vietnam
Silangang Asya
1.China
2.Japan
3. North Korea
4. south korea
5. Taiwan
Ang mga klima sa Rehiyon ng
Asya
Klima sa
Kanluran:
Hindi ito palagian ng klima. Pwedeng katamtaman lang o labis ang init o lamig
sa lugar na ito.
Sa Silangan: Moonsoon climate ang
uri ng klima nito. Nakakaranas ito ng iba't-ibang panahon.
Sa Timog: Iba-iba ang klima sa loob
ng isang taon.
Sa Hilaga: Sentral Kontinental.
Mahaba ang taglamig at maigsi ang tag-init.
Sa Timog-Silangan: Halos lahat ng
rehiyon ay may klimang tropikal.
Ang Heograpiya
ng Asya
Mga Anyong-lupa
Bilang pinakamalaking kontinente
sa buong
mundo, matatagpuan sa Asya ang iba’t
ibang
anyong-lupa.
1. Bundok at Bulubundukin –
ang bundok ay
ang anyong-lupa na nakaangat mula
sa lebel
ng dagat (sea level) at may
taas na umaabot sa
mahigit 2 000 talampakan. Ang
mahabang
hanay ng mga bundok ay tinatawag
na
bulubundukin. Matatagpuan sa Asya
ang
naglalakihang bulubundukin.
Pinakatanyag
sa mga ito ang Himalayas na
bumabagtas
mula Pakistan hanggang Myanmar. Sa
bulubunduking ito matatagpuan ang
Bundok
Everest, ang itinuturing na
pinakamataas na
bundok sa mundo. Katabi ng
Himalayas ang
Bulubunduking Karakoram. Sa
dalawang
bulubunduking ito matatagpuan ang
halos
lahat ng pinakamatataas na bundok
sa daigdig.
BUNDOK
.
2. Bulkan – ito ay biyak sa
ibabaw ng lupa
kung saan dumadaloy ang maiinit at
tunaw
na mga bato na tinatawag na lava
o kung
saan nagmumula ang makapal na
alikabok sa
pagsabog nito. Dahil sa mga
pagsabog, daloy
ng lava, at pagtatapon ng
alikabok, karaniwan
sa mga bulkan ay nakabubuo ng
hugisbalisungsong
o hugis-apa na bundok, tulad
ng Fuji sa Japan at Mayon sa
Pilipinas—dalawa
sa mga kilalang bulkan sa Asya.
Ang iba pang
tanyag na bulkan sa Asya ay ang
Krakatoa
at Tambora sa Indonesia. Ang
Bulkang
Pinatubo naman sa Pilipinas ang
nagtala ng
pinakamapanirang pagsabog nitong
huling
siglo.
BULKAN
3. Burol – ito ay isang
nakaangat na anyong-lupa
na mas mababa kaysa bundok at
karaniwan
ay bilugan. Ang rehiyon ng Kwangsi
sa Timog
China ay kilala dahil sa
kamangha-mangha
nitong mga burol. Tanyag din ang
Chota
Nagpur sa India dahil sa mga burol
nito
na inukit ng ulan mula noong
panahong
prehistoriko.
BUROL
4. Kapatagan – ito ay
pantay at malawak na
anyong-lupa. Karaniwan sa mga
kapatagan
ay malapit sa mga baybayin.
KAPATAGAN
5. Talampas – ito ay
malawak na kapatagan
sa tuktok ng isang mataas na
anyong-lupa.
Ang mahahalagang talampas ng Asya
ay ang
mga talampas ng gitnang Siberia
(Russia),
Mongolia, Tibet, Deccan (India),
at Turkey.
KAPATAGAN
6. Lambak –
ang lambak
ay kapatagang halos napalilibutan
o
napagigitnaan ng bulubundukin.
Karaniwan
sa mga lambak ay mga lunas ng ilog
o river
basin, isang
mababang lugar kung saan
umaagos ang ilog. Ang mahahalagang
lunas
ng ilog ng Asya ay ang Indus sa
India at
Pakistan; Huang He at Yangtze sa
China;
Irrawaddy sa Myanmar; Chao Phraya
sa
Thailand; at Mekong na dumadaloy
mula
Tibet hanggang Vietnam.
LAMBAK
7. Interyor ng kontinente –
kalakhan ng
kalupaan ng Asya ay matatagpuan sa
interyor
ng kontinente. Halos lahat ng
matatayog na
bulubundukin ng Asya ay nasa
interyor o
malayo sa baybayin. Sa katunayan,
maraming
bansang Asyano ang hindi
napalilibutan o
hinahangganan ng dagat o karagatan
tulad ng
Laos, Mongolia, at Nepal.
8. Baybayin – ito ang tawag
sa mga anyong-lupa
na malapit sa dagat. Maraming kapatagan
sa
Asya ang malapit sa baybayin.
9. Tangway – ito ay
kalupaang nakausli sa
dagat at halos napalilibutan ng
tubig. Ang
mahahalagang tangway ng Asya ay
ang mga
tangway ng Arabia, India, Malay,
Indochina,
at Kamchatka.
TANGWAY
10. Pulo – ito ay isang
lupaing napalilibutan
ng tubig. Maraming pulo ang
matatagpuan
sa Asya. Kabilang sa mga ito ang
Honshu
at Hokkaido sa Japan; Sumatra at
Java sa
Indonesia;
Luzon at Mindanao sa
Pilipinas
at Borneo na pagmamay-ari ng mga
bansang Brunie.
11.Kapuluan o Arkipelago –
ito ay pangkat ng
mga pulo. Ang mga bansang Japan,
Pilipinas,
Indonesia, at Maldives ay mga
kapuluan.
Pinakamalaking arkipelago sa buong
mundo
ang bansang Indonesia na
tinatayang mayroong
mahigit 13 000 pulo.
Anu Likas na mainit mliban lmang sa (bukal)
TumugonBurahinAnu Likas na mainit mliban lmang sa (bukal)
TumugonBurahin