DIGMAAN
SA ISRAEL, IRAQ AT LIBYA
Isa sa pinakamatinding
sitwasyon ay ang Giyera sa mga bansang napapaloob sa Gitnang Silangan.Nariyan
ang Bombahan sa Israel na
napakadaming nasawi at nasirang imprastraktura.
Ang pinak-naapektuhan sa mga kaguluhang ito ay mga kawawang sibilyan na
nasa gitna ng kaharasan at kadlasan nagiging biktima ito.
Ayon
sa isang balita, lahat ng mga tao doon ay apektado ng digmaan. Lahat sila ay
takot na takot, dahil ang magkabilang grupo ay parehas na pinahihirapan at
pinapatay ang bawat kalaban na kanilang madadakip. Napaka – rami nang sundalong
nasasawi dahil sa digmaan.
aging
ang mga kababayan nating mga Pilipino ay apektado nito. Nagmamadali silang
umuwi dito sa bansa upang makaiwas sa digmaan at hindi mapabilang sa mga
nasawi. Ang mga nakaligtas na OFW ay naglahad kung gaano kahirap ang kanilang
sinapit sa digmaang nagaganap doon.
Habang
tumatagal ang sagupaan sa ibat-ibang panig ng Asya,Dalawang milyon na kabataan
ang nabibiktima at nasasawi ang buhay.Mga kabataan na sa murang edad ay nakakaranas na ng
pinakamasaklap na maaring maranasan ng isang tao.Nakakalungkot na ang kabayaran
para sa kalayaan at karapatan ay ang buhay ng mga inosenteng mamayan.Kaya nga,
nagiging tanong sa nakakarami ,isang tagumpay pa ba ang manalo sa giyera? Mas mahalaga ba ang pinaglalaban
kaysa sa buhay ng libu-libong mamamayan.
Maaaring alam natin ang sagot diyan, ngunit ang realidad ng buhay ay hindi mapayapa at puno ng ‘di pagkakaunawaan. Sa kasalukuyan, maaari na lamang nating ipagdasal ang hinaharap na sana ay wala nang dahas na kamumulatan ang mga susunod na kabataan.